Ano ba ang TWITTER?
Narito po ang explanation galing sa wikipedia:
Twitter is a free social networking and microblogging service that enables its users to send and read messages known as tweets. Tweets are text-based posts of up to 140 characters displayed on the author's profile page and delivered to the author's subscribers who are known as followers. Senders can restrict delivery to those in their circle of friends or, by default, allow open access. Ever since late 2009, users can follow lists of authors instead of following individual authors. All users can send and receive tweets via the Twitter website, Short Message Service (SMS) or external applications. While the service itself costs nothing to use, accessing it through SMS may incur phone service provider fees.
So basically po, ang twitter ay parang text din, o text na nga, ang kaibahan lang, kung sino yung mga followers mo, marereceive nila ng sabay sabay kung ano man ang tinext mo (not unless na meron ka lang specific person na gustong i-text, DM-direct message naman ang tawag dun, through twitter pa rin), para po bang send to group na usually meron ang ating mga cellphone.
Makakatulong din po ito sa ating mga komunikasyon at mga pasabi na nais nating iparating ng mabilis sa maramihan.
Alam ko po marami na sa inyong nakakaalam ng 'microblogging' na ito, pero para sa mga hindi pa nakakaalam, ganto po yan.
Example natin...
Si @catioan ay nag tweet ng "may bagsakan ng bulgor ngay-on sa sentral, dalhin ang mga bata"
Follower po ako (@ccn4607) kunyari ni @catioan, so marerecieve ko po yun, ang gagawin ko naman po ay ire re-tweet ko, RT@catioan may bagsakan ng bulgor ngay-on sa sentral, dalhin ang mga bata
Marerecieve po ulit yun ni @catioan (opo kailangan ng @ palagi katabi ng username), pati na rin ng lahat ng nag fo-follow sa akin. So sa halip po na iisa isahin nating sabihan ang ating mga kabihug na pumunta sa sentral para sa bulgor, isang tweet na lang, mabilis pa.
Yun po ay kung naka online kayo palagi, pero dahil nababasa nyo ang blog na ito, ibig sabihin naka online kayo, ano po? :D
So, follow me na po, may link dyan sa kanang bahagi ng blog, kung meron na kayong twitter account, kung wala pa naman, gawa na kayo, it will only take a minute or two.
Wag tayong magpahuli sa digital world, kasi kahit na sa liblib na lugar tayo nakatira kaya nating makasabay sa agos ng mundo, di po baga?
Kung may tanong pa po tungkol sa twitter, wag pong mag atubiling mag comment laang (o e-mail kaya). Andito lang po ako para sagutin kayo. Salamat po.
Thursday, February 04, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment