Thursday, February 04, 2010

Break time

Patalastas po,

Ang inyo pong abang lingkod ay pansamantalang mag aabsent muna sa pag post dito sa blog, family matters.  Lahat po ng inyong e-mails at mga comments at aking i-popost sa aking pagbabalik.  Wag po kayong mag-alala, mababasa ko po kung ano man ang inyong ipapadala, hindi ko lang muna mahaharap na mag stay ng matagal sa computer para mag edit at mag post.

Salamat po sa inyong pang unawa.

In the mean time habang walang masyadong ginagawa, meron po akong hihingin sa inyo.

  • Meron na po tayong listahan ng mga salitang capalonga, denedeveleop pa po natin ng husto yan.  Sana po makagawa rin tayo ng listahan ng mga pagkain sa capalonga...at kung paano ito ginagawa, (thanks Tata Gil for the idea).

  • At sino po sa inyo ang may picture ng mga sikat na tambayan sa capalonga...katulad ng: Albino beach, sabang, lum-ok, itok falls, dam, sea wall, little baguio, at kung alin alin pa...Kung maari lang po sanang ipadala nyo sa akin, at kung meron kayong nais sabihin, i describe ito o mga memories na nais i-share, wag po kayong mahiyang mag-email.

  • Isa pa po...memories are best remembered with pictures, and what better way to remember what happened to your day but to snap pictures of it...and then share it with us?  Karamihan po sa atin ang ating mga celfon ay may camera na, o kaya man ay talagang meron ng mga camera, inaanyayahan ko po kayong magbahagi ng mga images na kasalukuyang nangyayari sa inyong kapaligiran, share the world as you see it, para ng sa ganun, kaming malayo sa inyo, ay para na ring malapit.  Hindi po kailangang maganda, o perfect ang kuha ng litrato, hindi rin kailangan na picture nyo yun, basta kahit na po anong subject na sa kung palagay nyo at kanais nais na maishare sa ating mga kababayan.


This is my world, at the very moment, 1249 am, blogging.

Aasahan ko po ang inyong pag participate, mas masaya po tayo dito pag lahat po tayo nakikibahagi.

Salamat po :D

No comments:

Post a Comment