Naaalala nyo pa ba nung unang panahon, na kahit nakapikit alam mo ang halos lahat ng pasikot sikot sa Capalonga? Kahit na brown-out alam natin kung saan tayo dadaan, kung aling parte ng kalsada ang may lubak, o may tae ng kalabaw. Hindi natin napapansin ang kadiliman, hindi natin iniinda ang kawalan ng ilaw, sapagkat tayo ay hindi isang estranghero sa ating sariling bayan.
Ngayon kaya, kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong maglakad sa ating umuunlad na munting paraiso, di ka kaya maligaw? Pupusta ako, sa halip na maglakad, aarkila ka na lang ng tricycle para dalhin ka sa iyong patutunguhan.
Masdan ang nagagawa ng pag-unlad...at ng pagtanda. =))
Ikaw kabihug, alam mo pa ba kung saan ka patungo? I really suggest, tumawag ka na lang ng tricycle, o kaya naman gamitin ang GPS (Global Positioning System), ang coordinates po ng Capalonga: Latitude 14°19'54.19"N; Longitude 122°29'38.60"E.
For sure ako po ay tatawag na lang ng tricyle =D
Salamat po kay Rommel Tablada sa mga pictures ng road widening. Marami pa po dito.
Go Capalonga, go Kabihugs!
Sunday, August 01, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
laki npo ng pinagbago ng bayan natin.pero sana po pati po sa itok mapaganda narin po yung kalsada kc hannggang ngayon po ganun parin pag tag ulan lubak lubak parin.salamat po sana magawan nyo po ng paraan.
ReplyDeletemarami na tayong umalis at konti na lang ang bumabalik ... tumatanda na rin tayo pero masarap talagang gunitain ang nakaraan. alatco pa ang bus noon at kaya ko hangang daet na nakatindig! ang pag ganda ng bayan natin ay nasa ating lahat at hindi i-asa sa pulitika ... paano? iyon ang alamin natin, dito natin simulan sa pag post ng ating comments ... pag-usapan natin! matagal na akong umalis sa atin PERO ako ay palaging bumabalik-balik sa atin at hindi ako magsasawa kahit ako ay matanda na! bayan at ubang ang gala ko!
ReplyDelete