Monday, July 19, 2010

Life's Little Surprises, or Big.

Ang buhay, parang kalikasan, laging may bagyong dumarating, minsan puro hangin lang o kaya naman ay puro ulan lang, pag minsan naman, malakas na hangin at sangkaterbang ulan.  And what better way to deal with it but to be ever ready, accept its consequences, get up and move on...so you won't be caught off-guard when another storm hits.

Hello po, this is your blogger signing in.  Sorry for the silence.

Last week, Camarines Norte was hit by a storm.  It was huge and powerful.

But that is not new to us.  Bawat taon, dinadalaw tayo ng bagyo, hindi lang ang Capalonga pati na rin buong Pilipinas.  Pero tingnan nyo naman, pagkatapos ng bagyo, bumabangon tayo at pinipilit na ayusin ang mga nasirang bagay bagay sa ating kapaligiran.

Totoo, lahat ay napapalitan, makakabili tayo ng yerong pamalit sa bubong nating napilad, maitatayo ulit ang mga natimbuang na poste ng ilaw, kahit na ang mga nasirang puno pwede ring palitan ng bago, magtanim at pagdating ng panahon, yayabong din at makakalimutan na natin ang dating punong nakatayo sa spot na yun.


Pero iba na, may bahid na ng kakaiba, kumbaga.  Mas maganda siguro...o mas pangit, pero ang mas mahalaga, iba na.  Eh ano naman ngayon, di ba?  Well, kung kayo po ay katulad kong tumatanda na at nagrerely na lang sa paligid upang maalala ang mga bagay-bagay na aking kinalakihan, malamang maiintindihan nyo ang aking sinasabi.

Ang kaso, wala naman po tayong magagawa.  Ang bagyo ay dumarating, hindi maiiwasan, ang pagbabago ay hindi maiiwasan.

Kaya habang andyan pa ang punong mangga, akyatin na, hayaan ng kagatin ng hantik...akyatin na ang puno ng santol bayaan ng gapangan ng basil.  Habang nakatayo pa ang puno ng Akasya, enjoy the scent of the pretty flowers, habang maayos pa ang playground, maglakad lakad o maglaro sa palaruan...because you'll never know kung kelan darating ang panibagong bagyo.

Same goes to life, enjoy it as it is, breathe and bask, because there are storms that are life altering, and some, more often than not, you can't do anything about it.

Here are some of the pictures taken and shared by Rommel Tablada, visit it here, for more.



See that huge chopped logs, I bet, that tree took a century to grow.  It may have been already there when I was in elementary, but did I care to notice, no, only now that it has given up against the power of nature did I even think how pretty must it have been when it was still alive.

Below are the pictures taken by Buen, some time in January 2010



From Menchie, April 2010


And Ranesa, May 2010


It will never be the same again, and people who have had memories with this place has nothing left but these photos to remind them that once, it was this beautiful.

***
As usual, you are very much welcome to put something at the comment box down there, it makes your blogger think harder of what to write.  I appreciate your attention and your good words so much.  My inbox is open 24/7 at ccn4607@gmail.com, drop us some thoughts, or scribble something in our wall at facebook.  Let's keep the love alive!

Mabuhay ang mga Kabihug!

2 comments:

  1. tama ka dyan kabayan,enjoy natin kung ano meron tayo ngayon nasabi mo na lahat and i agree to you...may mga bagay na dumarating at nawawala sa buhay natin only memories are left behind and often pictures are reminders that they been part of our lives...minsan nakakatakot ang bagyo kasi baka di na ko makabangon pero sumisikat ang araw nagbibigay ng pagasa at nagsasabi kaya mo yan.....haba na yata nito ahh..wish ko lang sa mga kbabayan natin na kahit lang bagyo pa ang dumating sa araw na yun may makakapitan pa at handang ilaan ang kamay kung meron mang matumba...lastly don`t hesitate to say `I love you`...

    ReplyDelete
  2. totoo lahat yang sinabi mo, kaya tayong lahat ay dapat i-cherish ang bawa't sandali ng ating buhay, pahalagahan ang ating mga minamahal at laging magpasalamat sa Lumikha sa lahat ng ating biyaya.

    ReplyDelete