Naaalala ko pa nung aking kabataan, ang mga Bihog/Bihug ay mga nilalang sa ating munting bayan na ginagawang katatawanan. Ngunit kung ating sisiyasatin ang ating kasaysayan, mapapag-alaman natin na sila ang tunay na unang namuhay sa ating bayan. What are the odds that they may even own the many hectares of land we call ours? Pero tayong mapuputi o mga pumuti sa chinchansu, o mga straight ang buhok o nagpastraight kina Nana Letty, mga hindi pinapawisan o nag rerexona, mas madalas, iniiwasan natin ang makihalubilo sa mga Bihug.
Aminin.
Pero bakit ba naman hindi, sabi ko nga, ang mga Bihug ay mga naunang nanirahan sa maliit na bayan na ating inaangkin, at sila rin ay mga mag-iinom, madudungis, walang pinag-aralan at mga walang ugali. At yan ay ideya na nanggagaling sa mga taong katulad ko na walang alam tungkol sa mga Bihug kundi ang kanilang panglabas na kaanyuan. Ideyang pinagpasa pasahan ng bawat henerasyon, ignorante sa katotohanan.
Aminin na, Kabihug, hindi ka lumaki sa Capalonga kung hindi ka nagsalita ng 'pera balis' sa mga pagkakataon na nakasalubong ka ng Bihug, o nakatabi mo sa bubung ng mini-bus, o kahit nadaanan lang ng sinasakyan mong bus habang sila ay nag-uula na kalabaw.
Kaakibat ng pagtanda ang paggising mula sa katotohanan sa mga ideya na kinalakhan ng murang kaisipan, at isa na ang kaalaman na ang panglabas na kaanyuan, ang amoy ng kili-kili at paraan ng mananalita ay hindi basehan sa pagsukat ng pagkatao, hindi lang ng ating mga kabihug kundi ng bawat isang nilalang.
Naaalala ko nung nagsisimula pa lang ang group natin sa facebook at ang blog na ito, may nagtanong bakit daw kabihug ang tawag natin sa isa't-isa. Isa lang ang dahilan na naisagot ko, na hanggang ngayon hindi ko maipalawanag ng maayos kung bakit. Para sa akin kasi, ang salitang kabihug ay hango sa pinag dugtong na kaibigan at bihug, pwedeng sabihin natin na nakikibihug tayo, but it also brings down to the idea that we are friends and part of the bihug's lives, and vice versa.
Mabuti na lang ngayon ang mga kabataang Bihug ay naeenganyo ng mag-aral thanks to the effort of some unsung heroes, how sad will it be if everyone else in our town prospered but the locals? Maraming salamat sa ating mga kababayan na walang sawang tumutulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan, lalong lalo na ang mga minorities/locals nating mga kabihug.
Sana, mas marami pang liblib na lugar ang maabot ng edukasyon at pangkalusugang misyon upang walang maiwan sa ating mga kababayang Bihug, at hindi na maranasan ng mga kabataang kulot ang makarinig ng 'pera balis po'. Panahon na para baguhin ang nakagisnan nating paniniwala. Panahon na para maintindihan ng mga kabataan na dapat irespeto ang ating mga Bihug.
Below are the pictures from Francisco V. Aler Elementary School in Villa Belen, courtesy of their inspiring mentor Mr. Megs Gonzaga (thank you Sir), visit his FB page here for more pictures. (Click for bigger)
Do you remember that song that goes by the lyrics, "I believe the children are our future, teach them well and let them lead the way, show them all the beauty they possess inside, give them a sense of pride..." yes, the Greatest love of all by Whitney Houston, incidentally, a girl of color herself. Look at those pictures above, don't you feel the same way as I do when you saw the glitter in their eyes? Did you notice their overwhelming gratitude to those who gave them the opportunity to shine, the excitement from the thought they'll be learning something new? Imagine one of these children some twenty years from now, and what they'll give back to the people of Capalonga.
And maybe, when you get home and sat beside a Bihug in a mini-bus or the nowadays more common air-conditioned vans, instead of saying pera balis po, why not try saying hello, o kumusta, or a simple smile? And I am sure though the smile you most probably will get is a set of teeth colored from nganga, it's genuine.
***
As always, your comments are highly valued, if I offended you in any of my posts, please do let me know, so we can take proper actions. My inbox at ccn4607@gmail.com is always open to receive your mails, or for the FB addicts, visit us at Capalonga.
Wednesday, June 16, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Nice piece...totoong totoo..I was really inspired by the thoughts you've shared..
ReplyDelete