Remember when internet is exclusive for NASA or the other scientists and number geniuses? Remember the years when all that we can hear in the radio were Simatar, Lovingly Yours Helen; or Eat Bulaga, Mara Clara or Julie Vega in the television?
Can you still remember those times when you spend summer with your friends having fun under the sun instead of spending the whole day watching TV or playing farmville, or chatting via facebook?
Well, I do.
But most of our children these days don't. And they will continue to forget things that make up a probinsyano/probinsyana if we don't remind them. Mind you, being from a small town, practically never heard (paradise) that is Capalonga isn't a bad thing. And the more we remind ourselves of our childhood the more we realize that years ago, life isn't really that complicated.
And years ago, all that matters to us is the laughter that we shared with our friends and our family. So I think it's time for us to go back to childhood...if only for a minute. Care to join me? :D
SHATO...
Siyato, Syato...o Shiato.
Isang laro na pwedeng salihan ng napakaraming bata, sa dalawang grupo.
Kailangan ng dalawang pirasong bilog na kahoy, isang maliit--mga isang dangkal ng matanda at isang mas mahaba--mga dalawang dangkal naman.
Magdukal sa matigas na lupa (may damo o wala) ng pahalang, mga dalawang pulgada ang lalim, mga apat na pulgada naman ang haba.
Unang gagawin pagkatapos mag grupo sa dalawa, impyong. Ang manalo sya ang una; syempre, ang talo sya at ang kanyang grupo ang taya--taga sambot.
Ilalagay ng player ng pahalang ang maliit na kahoy sa ibabaw ng butas sa lupa at susungkutin ito ng malakas sa pamamagitan ng mahabang kahoy habang tumilapon sa ere. Ang mga taya ay susubukang sambutin ang maliit na kahoy habang nasa ere.
Pag nasambot, out ka na.
Pag hindi nasambot, ilalagay ng player ang mahabang kahoy pahalang sa ibabaw ng butas at yung kalaban naman ay susubukan nyang tamaan nung maliit na kahoy yung mahaba sa pamamagitan ng pag itsa sa distansya kung saan lumagpak yung maliit na kahoy.
Pag tinamaan out na, pag hindi, sunod na step na.
Iiitsa ng player yung maliit na kahoy sa ere tapos papaluin nya ng mahabang kahoy. Sasambutin dapat ng kalaban, pag nasambot, out ka na, pag hindi, itatapon ng kalaban yung maliit na stick papunta sa base (sa butas sa lupa) para lumiit yung distansya, sa puntong ito, susubukan ng player na paluin ulit yung maliit na kahoy upang lumipad ulit sa ere. Kailangang masambot ulit ng kalaban, tapos ulit na naman ang proseso. Kung hanggang saan maitapon ng kalaban pabalik sa base yung maliit na kahoy, bibilangin ng player ang distansya sa pamamagitan ng mahabang kahoy.
Puntos.
Sunod.
Ilalagay ng player ang maliit na kahoy sa loob ng butas na nakausli ang dulo. Papaluin ito ng mahabang kahoy upang lumabas sa butas tapos papaluin ulit upang tumilapon. Katulad ng ibang stage, kelangan masambot ulit ng kalaban para ma out ang player, kung hindi, bibilangin na ng player ang points nya sa pamamagitan ng mahabang kahoy.
Dagdag puntos.
Tapos, balik ulit sa simula, hanggang ma-out ang player.
Kawawa ang taya, hindi sila makakatira hanggat hindi naa out ang lahat ng player. Pag natapos na ang laro, sisigaw na ng syato ang mga talo. Paano?
Papaluin ng nanalong grupo ang maliit na kahoy. Ang distansya hanggang sa base ang sisigawin mo ng syyyyyaaaatttttttoooo habang bitbit mo ang maliit na kahoy. Minsan, kapag marami ang myembro ng grupo, pwedeng hindi natatapos ang laro, nagkakasawaan na, at pag natapos naman, minsan isa isang sisigaw ang mga natalo habang isa isang pumapalo ang nanalo, minsan naman collective na, lahat ng space na inilipad ng maliit na kahoy sa lahat ng palo ng mga nanalo, isa na lang ang kukuha at sisigaw pabalik. At kung minsan naman, kung ano ang diperensya ng score ng bawat grupo, ibibilang ng distansya sa pamamagitan ng mahabang kahoy (minsan din sa maliit na kahoy) at yun ang sisigawin ng natalo.
Hirap no? Pero hindi naman natin napansin noon na mahirap pala ito.
The above photos are of Chanda's family, having a blast playing Syato somewhere in the greenery of Europe (click for larger). Kudos to Chanda for making sure her children know what it's like to play our childhood games. What about you? Do you still remember any games from your childhood?
I personally loved chinese garter, it's kind of exhilarating to jump as high as my body permits. Or that game (I shamelessly forgotten what it's called) wherein you get to bend your limbs to touch the slippers on the ground. Anyone who knows what it's called?
So go ahead and relive those moments when nothing matters not even the bruise you could get from running nor losing your voice from shouting long distance. And let's share it to the children of today, it's not fair that they don't get to have the same enjoyment we had when we were younger.
Syato is more fun than farmville, more ways than one.
***
Chanda owns the photos,and a big thanks to her for lending them to us and giving us the inspiration. Anyone else who would like to share something about the games we used to play like: sudsod, luksong baka, tinagupakan, inagawang base, tinaguan, luksong lubid...ano pa ba, please don't hesitate to email your blogger at ccn4607@gmail.com or tag us in facebook.
I hope this post gave you a blast of the past. Feel free to share it with your family. And don't forget to tell us what you think, there's a comment box down there. I might have put the steps in this game wrong, don't hesitate to correct me, if you please.
Monday, June 07, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
whoah!!! nakakaiyak sa tuwa balikan lahat ng alaala ng kabataan ko.noon sa mataque....
ReplyDeleteiigib lng kami ng tubig ng kuya ko noon doon sa salulu...sulok kung tawagin ..tapos di na kmi makaalis sa larong iyan (syato). hanggang sa gumagabi na pla at anjan na ung nanay kong maydalang pamalo (tagiktik baga ay)... lagot na nmn ang pwet ko nito hahaha....hayyy kamisss..
gud luck po sa taong nsa likod ng profile na to... mabuhay po kyo...
ha,ha,ha nakakatuwa naalala ko ang larong ito "syatoooooooooo......pinakapaborito ko laro at saka patentiro. madalas namin laruin ang patentiro
ReplyDeletekapag kabilugan ng buwan.
mabuhay ka,
HA.HA.HA.HA.HA. Dahil sa larong shato napalo ako ng nanay ko,, at napagalitan ng teacher ko,, kc tinamaan sa nuo ang teacher ko... BUKELLLL baga ung nuo... sumbong sa nanay ko,, katakot takot na lapudas ang inabot ko... ouchhhh.... d ko makakalimutan ang larong shato... MABUHAY KA KAPATID.....
ReplyDeleteBasta ako masaya ako nong bata pa ko habang nagtitinda ako ng kandila pag walang mga dayo at magsisimba naglalaro kami ng chinese garter sa gilid ng simbahan sa harapan ng C.I. hehehe tapos pag me customer na tarakbuhan na kami para mag alok ng kandila. Hay i missed those days at pag gutom n kami bibili n kami ng pansit kay chang didang na nakalagay sa plastic at kukubit kubitin ko pauntiunti. naiiyak ako pag naaalala ko yon pero masaya kasi tumubo naman ako kasi me narating naman ako kahit papano.Hehehehe chung chang bili na po kayo ng kandila ako n po ang nauna hehehehehehe. dayalog ko when i was a little. MG Capalonga 07
ReplyDeletehahaha memorable sa akin ang game na shatoo..dahil dyan di ko makalimutan yung principal sa elementary dati si Mr.Toralba hahaha natamaan ko kasi siya nun tumira ako di naman bukol pinagsabihan lang me na ingat sa susunod...sige paglumaki na baby ko laro kami,sali ka rin para masaya..thanks Capalonga..
ReplyDelete