Friday, June 18, 2010

Paunawa

May I interrupt our shared nostalgia for a very short note?

Mga Kabihugs,

The admin--your blogger, wishes to remain anonymous, not for anything, but just to maintain some sort of unbaised posts (if you may).  So para po sa mga nakakakilala kung sino ako, it's your decision if you want to tell your friends but please don't be mad if I don't answer your queries regarding my identity.

I was born in Capalonga, I lived in Capalonga, my memories are etched with everything Capalonga and I love Capalonga more than any place I have lived in, I hope that's reason enough for you to trust me. =D

Salamat po sa inyong pagsuporta.

Yours truly,








...now balik na tayo sa byaheng pa-Capalonga. =D  Wala na daw taplod, ay papaanhin na laang ang aking mga bigas at baboy?!  Ya, alangan naman sa istribo?

Ganda 'bae...

Alam nyo ba yung kantang "Manila"?  Yung may lyrics na 'Hinahanap-hanap kita Manila; Ang ingay mong kay sarap sa tenga; Mga Jeepney mong nagliliparan; Mga babae mong naggagandahan'...


Teka teka...


Ang mga babae sa aming munting bayan ay mga naggagandahan din!


Nung nakaraang fiesta, nagkaroon ng beauty pageant sa ating bayan, tinaguriang  Ms. Capalonga 2010.  Ya malamang nyan, punong puno na naman ang plaza, nagsipag uwian galing sa linang ang mga manonood, gabay gabay na naman ang mga galing sa Talagpucao at Catioan nyan.  Ang mani at palamig baha baha na naman.  Matanda at bata, may ngipin o wala, girl boy bakla tomboy, pupusta ako, nakatanghod sa parada ng mga naggagandahang kababaihan ng ating munting paraiso na naglalaban sa korona at titulong Ms. Capalonga.


At sino naman ang hindi hahanga sa kanilang kagandahan?  Tingnan ang mga litrato sa ibaba, katunayan na hindi lang sa Maynila may magagandang kababaihan. (Click for bigger)





And the winners are:


Ms. SK Federation - Samantha Florante (Brgy. Poblacion)
Ms.  Tourism - Lhykka Gonzales 
Ms. Capalonga 2010 - Janesel Sarmiento (Brgy. Del Pilar)
Ms. Palong Festival - MM Madera (Brgy. Catioan)
Ms. Summer Basketball - CJ Nipales (Brgy. Catabaguangan)

***
Most of them have Facebook accounts, but for some internet etiquette, I decided not to link it here (just in case of a minor 'star stalking' tendencies).  Anyway, if you know them, you can always search them through FB.

I have also found videos of the event, posted by Ms. Del Pilar (or her friends?) in youtube, take a look below (just some of them).  A little warning though, there are many moments of loud shrieks, so you may want to lower the volume. =D








***
Disclaimer:
None of the photos and videos are mine. They are owned by Lhykka and eynsel and oh btw, thanks so much to them esp to Lhykka for the pictures and the information.

As always, your comments and thoughts are good motivators, so please feel free to comment away, it's just below every posts.  Or mail your blogger at ccn4607@gmail.com

Wednesday, June 16, 2010

Pera Balis Po

Naaalala ko pa nung aking kabataan, ang mga Bihog/Bihug ay mga nilalang sa ating munting bayan na ginagawang katatawanan.  Ngunit kung ating sisiyasatin ang ating kasaysayan, mapapag-alaman natin na sila ang tunay na unang namuhay sa ating bayan.  What are the odds that they may even own the many hectares of  land we call ours?  Pero tayong mapuputi o mga pumuti sa chinchansu, o mga straight ang buhok o nagpastraight kina Nana Letty, mga hindi pinapawisan o nag rerexona, mas madalas, iniiwasan natin ang makihalubilo sa mga Bihug.

Aminin.

Pero bakit ba naman hindi, sabi ko nga, ang mga Bihug ay mga naunang nanirahan sa maliit na bayan na ating inaangkin, at sila rin ay mga mag-iinom, madudungis, walang pinag-aralan at mga walang ugali.  At yan ay ideya na nanggagaling sa mga taong katulad ko na walang alam tungkol sa mga Bihug kundi ang kanilang panglabas na kaanyuan.  Ideyang pinagpasa pasahan ng bawat henerasyon, ignorante sa katotohanan.

Aminin na, Kabihug, hindi ka lumaki sa Capalonga kung hindi ka nagsalita ng 'pera balis' sa mga pagkakataon na nakasalubong ka ng Bihug, o nakatabi mo sa bubung ng mini-bus, o kahit nadaanan lang ng sinasakyan mong bus habang sila ay nag-uula na kalabaw.

Kaakibat ng pagtanda ang paggising mula sa katotohanan sa mga ideya na kinalakhan ng murang kaisipan, at isa na ang kaalaman na ang panglabas na kaanyuan, ang amoy ng kili-kili at paraan ng mananalita ay hindi basehan sa pagsukat ng pagkatao, hindi lang ng ating mga kabihug kundi ng bawat isang nilalang.

Naaalala ko nung nagsisimula pa lang ang group natin sa facebook at ang blog na ito, may nagtanong bakit daw kabihug ang tawag natin sa isa't-isa.  Isa lang ang dahilan na naisagot ko, na hanggang ngayon hindi ko maipalawanag ng maayos kung bakit.  Para sa akin kasi, ang salitang kabihug ay hango sa pinag dugtong na kaibigan at bihug, pwedeng sabihin natin na nakikibihug tayo, but it also brings down to the idea that we are friends and part of the bihug's lives, and vice versa.


Mabuti na lang ngayon ang mga kabataang Bihug ay naeenganyo ng mag-aral thanks to the effort of some unsung heroes, how sad will it be if everyone else in our town prospered but the locals?  Maraming salamat sa ating mga kababayan na walang sawang tumutulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan, lalong lalo na ang mga minorities/locals nating mga kabihug.

Sana, mas marami pang liblib na lugar ang maabot ng edukasyon at pangkalusugang misyon upang walang maiwan sa ating mga kababayang Bihug, at hindi na maranasan ng mga kabataang kulot ang makarinig ng 'pera balis po'.  Panahon na para baguhin ang nakagisnan nating paniniwala.  Panahon na para maintindihan ng mga kabataan na dapat irespeto ang ating mga Bihug.

Below are the pictures from Francisco V. Aler Elementary School in Villa Belen, courtesy of their inspiring mentor Mr. Megs Gonzaga (thank you Sir), visit his FB page here for more pictures.  (Click for bigger)


Do you remember that song that goes by the lyrics, "I believe the children are our future, teach them well and let them lead the way, show them all the beauty they possess inside, give them a sense of pride..." yes, the Greatest love of all by Whitney Houston, incidentally, a girl of color herself.  Look at those pictures above, don't you feel the same way as I do when you saw the glitter in their eyes?  Did you notice their overwhelming gratitude to those who gave them the opportunity to shine, the excitement from the thought they'll be learning something new?  Imagine one of these children some twenty years from now, and what they'll give back to the people of Capalonga.

And maybe, when you get home and sat beside a Bihug in a mini-bus or the nowadays more common air-conditioned vans, instead of saying pera balis po, why not try saying hello, o kumusta, or a simple smile?  And I am sure though the smile you most probably will get is a set of teeth colored from nganga, it's genuine.


***
As always, your comments are highly valued, if I offended you in any of my posts, please do let me know, so we can take proper actions. My inbox at ccn4607@gmail.com is always open to receive your mails, or for the FB addicts, visit us at Capalonga.

Tuesday, June 08, 2010

Martsa na Mga Kabihug!

Isang paanyaya po galing kay Mr. Albert Ables:

Baka meron taga Capalonga na nasa Qatar, kita kits tayo sa Sheraton on Friday to celebrate the 112th Philippine Independence Day from 8am onwards...here is my contact 7196616/5344519, masayang kakakita ng kabihug sa malayong lugar...

**

Paki tawagan na lang po si Mr. Albert sa numerong nakasulat sa itaas o kaya naman pakimessage na lang po sa facebook nya (click his name). Wag pong kalimutang magpadala ng mga pictures ng inyong gathering; bukas po ang ating inbox ccn4607@gmail.com o kaya naman paki tag na lang po sa FB


Salamat po sa walang sawang pagtangkilik!  Paki re-post na lang po sa inyong mg FB ang link.


xx

Monday, June 07, 2010

Keep the fire burning

Remember when internet is exclusive for NASA or the other scientists and number geniuses?  Remember the years when all that we can hear in the radio were Simatar, Lovingly Yours Helen; or Eat Bulaga, Mara Clara or Julie Vega in the television? 

Can you still remember those times when you spend summer with your friends having fun under the sun instead of spending the whole day watching TV or playing farmville, or chatting via facebook?

Well, I do.

But most of our children these days don't.  And they will continue to forget things that make up a probinsyano/probinsyana if we don't remind them.  Mind you, being from a small town, practically never heard (paradise) that is Capalonga isn't a bad thing.  And the more we remind ourselves of our childhood the more we realize that years ago, life isn't really that complicated.

And years ago, all that matters to us is the laughter that we shared with our friends and our family.  So I think it's time for us to go back to childhood...if only for a minute.  Care to join me? :D

SHATO...

Siyato, Syato...o Shiato.

Isang laro na pwedeng salihan ng napakaraming bata, sa dalawang grupo. 

Kailangan ng dalawang pirasong bilog na kahoy, isang maliit--mga isang dangkal ng matanda at isang mas mahaba--mga dalawang dangkal naman. 

Magdukal sa matigas na lupa (may damo o wala) ng pahalang, mga dalawang pulgada ang lalim, mga apat na pulgada naman ang haba.

Unang gagawin pagkatapos mag grupo sa dalawa, impyong.  Ang manalo sya ang una; syempre, ang talo sya at ang kanyang grupo ang taya--taga sambot.

Ilalagay ng player ng pahalang ang maliit na kahoy sa ibabaw ng butas sa lupa at susungkutin ito ng malakas sa pamamagitan ng mahabang kahoy habang tumilapon sa ere.  Ang mga taya ay susubukang sambutin ang maliit na kahoy habang nasa ere. 

Pag nasambot, out ka na.

Pag hindi nasambot, ilalagay ng player ang mahabang kahoy pahalang sa ibabaw ng butas at yung kalaban naman ay susubukan nyang tamaan nung maliit na kahoy yung mahaba sa pamamagitan ng pag itsa sa distansya kung saan lumagpak yung maliit na kahoy. 

Pag tinamaan out na, pag hindi, sunod na step na.

Iiitsa ng player yung maliit na kahoy sa ere tapos papaluin nya ng mahabang kahoy.  Sasambutin dapat ng kalaban, pag nasambot, out ka na, pag hindi, itatapon ng kalaban yung maliit na stick papunta sa base (sa butas sa lupa) para lumiit yung distansya, sa puntong ito, susubukan ng player na paluin ulit yung maliit na kahoy upang lumipad ulit sa ere.  Kailangang masambot ulit ng kalaban, tapos ulit na naman ang proseso.  Kung hanggang saan maitapon ng kalaban pabalik sa base yung maliit na kahoy, bibilangin ng player ang distansya sa pamamagitan ng mahabang kahoy.

Puntos.

Sunod.

Ilalagay ng player ang maliit na kahoy sa loob ng butas na nakausli ang dulo.  Papaluin ito ng mahabang kahoy upang lumabas sa butas tapos papaluin ulit upang tumilapon.  Katulad ng ibang stage, kelangan masambot ulit ng kalaban para ma out ang player, kung hindi, bibilangin na ng player ang points nya sa pamamagitan ng mahabang kahoy.

Dagdag puntos.

Tapos, balik ulit sa simula, hanggang ma-out ang player.

Kawawa ang taya, hindi sila makakatira hanggat hindi naa out ang lahat ng player.  Pag natapos na ang laro, sisigaw na ng syato ang mga talo.  Paano?

Papaluin ng nanalong grupo ang maliit na kahoy.  Ang distansya hanggang sa base ang sisigawin mo ng syyyyyaaaatttttttoooo habang bitbit mo ang maliit na kahoy.  Minsan, kapag marami ang myembro ng grupo, pwedeng hindi natatapos ang laro, nagkakasawaan na, at pag natapos naman, minsan isa isang sisigaw ang mga natalo habang isa isang pumapalo ang nanalo, minsan naman collective na, lahat ng space na inilipad ng maliit na kahoy sa lahat ng palo ng mga nanalo, isa na lang ang kukuha at sisigaw pabalik.  At kung minsan naman, kung ano ang diperensya ng score ng bawat grupo, ibibilang ng distansya sa pamamagitan ng mahabang kahoy (minsan din sa maliit na kahoy) at yun ang sisigawin ng natalo.

Hirap no?  Pero hindi naman natin napansin noon na mahirap pala ito. 


The above photos are of Chanda's family, having a blast playing Syato somewhere in the greenery of Europe (click for larger).  Kudos to Chanda for making sure her children know what it's like to play our childhood games.  What about you?  Do you still remember any games from your childhood?

I personally loved chinese garter, it's kind of exhilarating to jump as high as my body permits.  Or that game (I shamelessly forgotten what it's called) wherein you get to bend your limbs to touch the slippers on the ground.  Anyone who knows what it's called?

So go ahead and relive those moments when nothing matters not even the bruise you could get from running nor losing your voice from shouting long distance.  And let's share it to the children of today, it's not fair that they don't get to have the same enjoyment we had when we were younger.

Syato is more fun than farmville, more ways than one.

***
Chanda owns the photos,and a big thanks to her for lending them to us and giving us the inspiration.  Anyone else who would like to share something about the games we used to play like: sudsod, luksong baka, tinagupakan, inagawang base, tinaguan, luksong lubid...ano pa ba, please don't hesitate to email your blogger at ccn4607@gmail.com or tag us in facebook.

I hope this post gave you a blast of the past.  Feel free to share it with your family.  And don't forget to tell us what you think, there's a comment box down there.  I might have put the steps in this game wrong, don't hesitate to correct me, if you please.