Panahon na naman ng Semana Santa o (Mga) Mahal na Araw. Sa panahong ito karamihan sa ating mga mahal sa buhay ay umuuwi ng probinsya upang makasama ang pamilya at tuloy makapag diwang ng Pasyon ng Panginoon.
Sa aking pagbabalik tanaw sa aking kabataan, hindi ko makalimutan ang napakaraming pagkakataon aking nasaksihan ang paggunita sa Pasyon ng Poon.
Saan mo matatagpuan ang maraming kumpulan ng mga kabataan? Sa kalsada kung saan merong mga kalalakihan (at mangilang kababaihan) na ginigilitan ng likod sa pamamagitan ng blade upang magsagawa ng penitensya.
Ang mga ilang kadalagahan at mga magulang? Sa mga kubol, nagpapasyon, hanggang madaling araw.
Ang mga estudyante na naka bakasyon sa paaralan? Ang ilan ay nasa simbahan at tumutulong sa paghahanda para sa mga aktibidad.
Sa simbahan makikita karamihan sa ating matatanda at mga magulang, nagbabasa ng pasyon at iba ay nagtatanod (vigil).
Sa napakaraming gabi sa Mahal na Araw, halos ang buong bayan ay sumasama sa prusisyon.
Ang mala anghel na mga kabataang babae at lalaki ay kasali sa 'osanahan' sa dalawang linggong magkasunod.
Merong prusisyon na may naghahalinhinang bumuhat ng krus.
Merong palabas sa plaza, ang paggunita sa paghihirap at pagpako sa krus.
Bagamat maraming taon na ang nakalipas, maraming bagay na ang nagbago sa ating bayan, nakakasisiguro ako na karamihan sa atin ay naaalala pa rin ang mga nagdaang panahon, lalong lalo na ang pagtakbo at pag-iwas ng mga kabataan sa mga nag pepenitensya sa takot na matilamsikan ng dugo at malipat 'daw' sa kanila ang mga kasalanan ng nag pepenitensya.
Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang paniniwala sa Pasyon ng Panginoon, at ang bawat isa sa atin ay karapat dapat lamang na igalang sa ating paniniwala, maging ito man ay ang --hindi pagkain ng karne; hindi pagkain ng anumang pagkain; pagsugat sa ating sarili at pagpipinetensya; pagdarasal sa simbahan; pagsama sa prusisyon; pagpasan ng krus; paglakad ng nakaluhod; pagtatakip ng mukha ng kulay itim na belo; pagiging malungkot at hindi pagngiti o maging ang pagpunta sa Albino para mag picnic.
Isang bagay ang hindi ko makakalimutan, narinig o nabasa ko kung saan, "ang paghihirap at pagkamatay ng Panginoon sa Krus ay isang bagay na hindi natin dapat ikalungkot." Marami sa atin ang magtataas ng kilay sa pahayag na ito. Ang paliwanag ng kung sino man ang nagsabi nito ay, "sapagkat ito ang nakasulat, na kung hindi naghirap at namatay si Hesus sa Krus, tayong makasalanan ay hindi maliligtas."
Ano man ang paniniwala natin sa mga bagay na may kaugnayan sa pananampalataya, [sa aking opinyon,] hindi mahalaga, dahil ang nag-iisang dahilan kung bakit namatay si Hesus sa Krus ay tayo, ang pagmamahal ng Panginoon sa atin, kahit na tayo ay makasalanan.
Thank you so much to Dr Zara for the video that she shared (I had to transfer it to youtube though, I'm not sure why I can't post it here from facebook) , a view of Capalonga on an important day for every Capalongueños life.
Kung meron po kayong nais na ikomento, wag pong mag atubiling pindutin ang COMMENTS button sa ibaba ng bawat posts. Para sa mga pictures o videos na nais nating i-share (please share), mangyari lamang pong i-email sa ccn4607@gmail.com
Friday, April 02, 2010
Penitensyang Kamoteng Kahoy!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment