HELLLOOOO!
Dahil wala pa pong nagkukusang loob na magshare ng mga bagong litrato ng Capalonga, eto po ang nahalungkat ko sa napakaraming pages tungkol sa Capalonga (hindi nga?) sa internet. By the way, kelangan nyo pong i promote yung site natin para naman pag type natin sa google/yahoo/aol (etc.) ay makita natin sa top results yung blog natin, no pressure though =)
Enjoy this old photo (and two manipulations of it) that I found here. Alam ko po maraming Lerum sa Capalonga, medyo familiar pati ang pangalang nya, anybody here who knows Mr. Zosimo Lerum? Well, this picture was from his website. In case kilala nyo po sya, please extend our heartfelt thanks for putting the image online.
The pictures are owned by Mr Zosimo Lerum, visit his website here. Clicky to enlarge, please.
Amazing no? Naalala ko pa yang itsura ng plaza noon, green ang color ng paint , dyan kami nauupo pag may palabas sa gabi. Ano kayang taon 'to?
COMMENTS are welcome mga kabihug, wag pong mahiya.
Wednesday, April 14, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hay ang sarap ng mga alaala, sa harap baga nyan ay Capalonga Institute jan kami sumasayaw ng folk dance pag foundation day sa CI
ReplyDeletesi zosimo "sonny" Lerum po yata ang architect ng simbahan ng capalonga ayon sa aking pagkakaalam, sa ngayon po ay naninirahan na siya at kanyang pamilya sa estados unidos..ang kanyang kabiyak ay akin pong tiyahin..
ReplyDeleteMas maganda noong unang panahon!
ReplyDeleteThis pic. could have been in the early 80's, sayang hindi nakasama yong old library bldg. Masarap magtambay don sa itaas non (rooftop) dahil katabi non yong malaking puno ng kamagong saka malalaking puno ng narra sa palibot ng municipal plaza kaya di problema ang init. A lot has changed and those were just part of our town's history...tama si Buen, I share the same sentiment na mas maganda pa yong noon. Yang nag iisang puno ng niyog sa right hand side ng simbahan sana andyan pa rin, hindi ko lang napapansin at naaalalang tingnan kapag nakakauwi ako para mag simba. Thanks sa blog...ska sa pics ni Mr. Lerum, it helps a lot for us to be reminded of good old days and rekindle the love for our home town called CAPALONGA..
ReplyDeleteMasarap balikan ang mga nakaraan kabihug kong kaibigan kaya lang kailangan nating harapin ay ang katotohanan at panghinarap na hamon sa ating bayang sinilangan. Isang mungkahi ang gusto kong ipaabot sa ating mga kabihug na kababayan...ating pagtulungang iangat ang ating bayan sa matuwid na paraan, sa paanong paraan? yang ang tanong...meron ka bang naisip? tara...baka meron kang idea na pwede at maganda, suggest ka kung papano nating pauunlarin ang bayan ng Capalonga...
ReplyDeleteUnang una, kung sinuman ka man na nagsimula ng blog na ito, Kabayan, salamat.
ReplyDeleteAng picture sa itaas ay originally designed ni Zosimo "Sonny" Lerum, na asawa ni Ate Amy Diezmo,. anak ng dating Mayor na si Vicente Diezmo. They are now residing in the USA.
Tunay na nakakapanghinayang na hanggang sa ngayon ang bayan natin ay nanatile pa ring 4th Class Municipality. Ang mga nakaraang administrasyon ay bigonG-bigo o hindi nagtuon ng atensyon sa pagpapa-unlad ng kabuhayan ng ating bayan at manapa'y nag-ukol ng higit na PANAHON sa mga tinatawag na "Artificial o Cosmetic Development". Ang kailangan ng ating bayan ay isang kongkretong programa ng pagpapaunlad na magdudulot ng isang permanenteng kaginhawahan sa mga mamamayan ng Capalonga.
Ang bagay na ito ay mangyayare kung ang ating kasalukuyang pamunuan ay bibigyan ng masusing pagkonsidera ang pag develop sa mga natural resources and beauties ng Capalonga.
Nakapanghihinayang na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin develop ang Sabang, Lom-ok, Talagpucao, Sabong-Sabong at Pulong Guijanlo. Malaki ang aking paniniwala na sa proper representation ng mga kinauukulan at "serious Political Well" sa pamamagitan ng "Matuwid na Landas", sa nalalapit na panahon, makakapag-anyaya tayo ng mga negosyante para mag-invest sa ating bayan.
Ngunit bago magawa yan, kailangang paunlarin muna ng ating pamunuan ang apat na basic infra-structure ng Capalonga - Ang pagpapatapos ng pag-semento o pag-aspalto ng Capalonga-Bagong Silang Road, Pagkakaroon ng Land Line Telephone, Mas magandang water and sewerage system at pagpapaseguro na Brown out Free Capalonga.
Dahil dito, nais kong manawagan sa lahat ng mga taga-Capalonga na nasa iba't ibang panig ng bansa at ng buong mundo na simulan na nating manawagan at gisingin ang ating mga pinuno, mula kay Gov. Egay Tallado, Cong. Jojo Unico, Mayor Pretty Boy Jalgalado at mga kagawad ng Sangguniang Bayan na seryosong pag-ukulan na nila ang permanenteng pagpapa-unlad ng Capalonga. If Camsur can be a tourism giant, why not Capalonga.
Ngunit higit sa lahat, patuloy tayong magka-isang manalangin kay Poong Hesus Nazareno ng Capalonga tungo sa ating pagkaka-isa at kaunlaran ng Capalonga.
Pagpalain tayo ng Poong Hesus Nazareno ng Capalonga.
Sumasainyo,
A. HOMER R. MALALUAN
Kung sinuman ka man na nagsimula ng blog na ito, tunay kang kabihug. Salamat.
ReplyDeleteAng picture sa itaas ay originally designed by Zosimo "Sonny" Lerum, isa ring anak ng Capalonga na asawa ni Ate Amy Diezmo, anak ni ex-Mayor Vicente Diezmo. Naninirahan na sila sa USA.
Tunay na ang Capalonga ay napakagandang bayan na bukod sa biyayang tinanggap nito na maging tahanan (Shrine) ng Poong Hesus Nazareno, ito ay mayroong napagandang mga dalampasigan ng Sabang, Lom-ok, Talagpucao (kabila), ang nakaka-anyayang tanawin ng Sabong-Sabong, ang magandang ilog ng Camagsaan, Alayao at lalo na ang Mataque na sa dulo nito ay may talon. Mayroon din tayong natural reserves tulad ng ginto, copper at ceramics ... mga natural beauties ... treasures na naghihintay lamang na ma-develop.
Ngunit, sa loob ng napakahabang panahon, lalo na sa nakalipas na dalawampung taon, ang bayan natin ay nanatiling 4th class municipality ... naging economically stagnant at naungusan na ng dati nitong barangay pagdating sa kaunlaran.
Ang dating pamunuan ay nag-focus sa mga "Artificial o Cosmetic Development" at pinabayaan ang economic development na siya sanang magdudulot ng mas permanenteng pag-angat ng uri ng pamumuhay ng ating mga kababayan.
Ngunit ito ay dapat na simulan sa apat na infra-structures tulad ng pagpapatapos ng pagpapa-semento o pag-aspalto ng Capalonga - Bagong Silang Road, Pagkakaroon ng local at long distance telephone line (PLDT, Digitel o Bayantel), pagpapalakas ng water at sewerage system at pagpapanatili ng isang "Brown out Free" Capalonga. Kapag naisagawa na ito, maaari na tayong mang-anyaya sa mga mamumuhunan na mag-invest sa ating bayan.
Dahil dito, nais kong hikayatin ... anyayahan ang lahat ng mga taga-Capalonga sa buong bansa at sa iba't ibang bahagi ng mundo na magka-isa tayo na gisingin at katokin ang damdamin ng mga kasalukiuyang namumuno, mula kay Gov. Egay Tallado, Cong. Jojo Unico, Mayor Pretty Boy Jalgalado at Sangguniang Bayan na pag-ukulan na nila ang pagsasagawa ng mas konkretong programa ng pagpapaunlad na magiging daan tungo sa kaginhawahan ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Ngunit, higit sa lahat, magka-isa tayong manalangin sa Poong Hesus Nazareno na patuloy Niya tayong gabayan tungo sa pag-unlad ng ating bayan.
Salamat po at nawa'y pagpalain tayo ng Poong Hesus Nazareno.
Sumasainyo,
A, HOMER R. MALALUAN