Thursday, April 22, 2010

Doon sa Gitna

Happy Earth Day everyone!  Here's another batch of pictures, of our slab of the earth.

I reckoned these are old, but not that old, just not the latest. It was from a friendster account (passed along), so if you're the owner of the pictures, just raise your hand, we're more than willing to shout it out.

Thanks!  Please click the photo if you want them bigger.


Capalonga Institute


Capalonga Institute


Basketball Court at CPS quad with the view of the Catholic Church


The olden belfry beside the steeple
(I never had the chance to go all the way up in there)

Chinese Temple
(It wasn't this elaborate during Tata Kong's)


The Altar of the Black Nazarene
(embellished in everything gold and maroon)


A scene most probably taken during one of the holidays
(and it's raining)


This road used to look wider


Eto ang tinatawag na Gitna o Sentro, o Bayan sa taga-linang na katulad ko


The Capalonga Institute marching band

Empty Town Plaza

So, did you like the pictures? My inbox at ccn4607@gmail.com has been waiting for an email of the things you wanted to share to all capalogueƱos, please don't be shy.  

Thanks and comment away (down there).

Wednesday, April 21, 2010

Isang bulaklak

Hello!

Remember the past post about a guy named Dominic Gumamela who's making his way to the limelight? (You can find the post here called HIMIG KO)

Well what d'ya know, he'd posted several videos in his facebook to promote his music. Isn't it brilliant?! So we're now sharing you the videos of his songs.

This first one is called BUTI NA LANG.



This one below is the video of the song I posted last march, about the 2010 elections. If you could remember I've managed to put the lyrics, but in this video you wouldn't need it anymore, kind of like videoke already. PILIIN MO, the youths' advocacy on May 2010 elections.




Enjoy! And drop Dominic some heart warming comments on his facebook page HERE, will you?

We're most proud!

Thursday, April 15, 2010

Dapat ganito na lang ang history class

WOW! Here's an amazing documentary video submitted by Nike Fabular. Enjoy. And suuuper thank you to Mr Nike! (click on his name to make friends with him in facebook).

(Note: Pakipause na lang po yung music dyan sa kanang bahagi ng page----> upang hindi kayo malito sa pakikinig at panonood.  Salamat po.)




As always, your thoughts and ideas are welcomed here.  Let's make this blog a place we call second home (or third or fourth).  Drop it in my inbox at ccn4607@gmail.com. To quote the quote quoted in this video, "Exile does not begin when we leave home, but when we no longer miss it." (Bruno Forte (Nike Fabular))

Wednesday, April 14, 2010

Noong Unang Panahon

HELLLOOOO!

Dahil wala pa pong nagkukusang loob na magshare ng mga bagong litrato ng Capalonga, eto po ang nahalungkat ko sa napakaraming pages tungkol sa Capalonga (hindi nga?) sa internet.  By the way, kelangan nyo pong i promote yung site natin para naman pag type natin sa google/yahoo/aol (etc.) ay makita natin sa top results yung blog natin, no pressure though =)

Enjoy this old photo (and two manipulations of it) that I found here. Alam ko po maraming Lerum sa Capalonga, medyo familiar pati ang pangalang nya, anybody here who knows Mr. Zosimo Lerum?  Well, this picture was from his website.  In case kilala nyo po sya, please extend our heartfelt thanks for putting the image online.

The pictures are owned by Mr Zosimo Lerum, visit his website here.  Clicky to enlarge, please.




Amazing no?  Naalala ko pa yang itsura ng plaza noon, green ang color ng paint , dyan kami nauupo pag may palabas sa gabi.  Ano kayang taon 'to?

COMMENTS are welcome mga kabihug, wag pong mahiya.

Friday, April 02, 2010

Penitensyang Kamoteng Kahoy!

Panahon na naman ng Semana Santa o (Mga) Mahal na Araw.  Sa panahong ito karamihan sa ating mga mahal sa buhay ay umuuwi ng probinsya upang makasama ang pamilya at tuloy makapag diwang ng Pasyon ng Panginoon.

Sa aking pagbabalik tanaw sa aking kabataan, hindi ko makalimutan ang napakaraming pagkakataon aking nasaksihan ang paggunita sa Pasyon ng Poon.

Saan mo matatagpuan ang maraming kumpulan ng mga kabataan?  Sa kalsada kung saan merong mga kalalakihan (at mangilang kababaihan) na ginigilitan ng likod sa pamamagitan ng blade upang magsagawa ng penitensya.

Ang mga ilang kadalagahan at mga magulang?  Sa mga kubol, nagpapasyon, hanggang madaling araw.

Ang mga estudyante na naka bakasyon sa paaralan?  Ang ilan ay nasa simbahan at tumutulong sa paghahanda para sa mga aktibidad.

Sa simbahan makikita karamihan sa ating matatanda at mga magulang, nagbabasa ng pasyon at iba ay nagtatanod (vigil).

Sa napakaraming gabi sa Mahal na Araw, halos ang buong bayan ay sumasama sa prusisyon.

Ang mala anghel na mga kabataang babae at lalaki ay kasali sa 'osanahan' sa dalawang linggong magkasunod.

Merong prusisyon na may naghahalinhinang bumuhat ng krus.

Merong palabas sa plaza, ang paggunita sa paghihirap at pagpako sa krus.

Bagamat maraming taon na ang nakalipas, maraming bagay na ang nagbago sa ating bayan, nakakasisiguro ako na karamihan sa atin ay naaalala pa rin ang mga nagdaang panahon, lalong lalo na ang pagtakbo at pag-iwas ng mga kabataan sa mga nag pepenitensya sa takot na matilamsikan  ng dugo at malipat 'daw' sa kanila ang mga kasalanan ng nag pepenitensya.

Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang paniniwala sa Pasyon ng Panginoon, at ang bawat isa sa atin ay karapat dapat lamang na igalang sa ating paniniwala, maging ito man ay ang --hindi pagkain ng karne; hindi pagkain ng anumang pagkain; pagsugat sa ating sarili at pagpipinetensya; pagdarasal sa simbahan; pagsama sa prusisyon; pagpasan ng krus; paglakad ng nakaluhod; pagtatakip ng mukha ng kulay itim na belo; pagiging malungkot at hindi pagngiti o maging ang pagpunta sa Albino para mag picnic.

Isang bagay ang hindi ko makakalimutan, narinig o nabasa ko kung saan, "ang paghihirap at pagkamatay ng Panginoon sa Krus ay isang bagay na hindi natin dapat ikalungkot."  Marami sa atin ang magtataas ng kilay sa pahayag na ito.  Ang paliwanag ng kung sino man ang nagsabi nito ay, "sapagkat ito ang nakasulat, na kung hindi naghirap at namatay si Hesus sa Krus, tayong makasalanan ay hindi maliligtas."

Ano man ang paniniwala natin sa mga bagay na may kaugnayan sa pananampalataya, [sa aking opinyon,] hindi mahalaga, dahil ang nag-iisang dahilan kung bakit namatay si Hesus sa Krus ay tayo, ang pagmamahal ng Panginoon sa atin, kahit na tayo ay makasalanan.

Thank you so much to Dr Zara for the video that she shared (I had to transfer it to youtube though, I'm not sure why I can't post it here from facebook) , a view of Capalonga on an important day for every CapalongueƱos life. 




Kung meron po kayong nais na ikomento, wag pong mag atubiling pindutin ang COMMENTS button sa ibaba ng bawat posts.  Para sa mga pictures o videos na nais nating i-share (please share), mangyari lamang pong i-email sa ccn4607@gmail.com