Sunday, January 31, 2010

Nakakahidok na mga salitang pangbutugan

Ayon nga po sa ating kasaysayan, na ating ipinost dito, ang mga naunang nakatira sa ating mahal na bayan ay galing sa Quezon, na ngayon ay Tayabas na ang tawag, kaya sa halip na ang ating pang araw araw na salita ay may halong Bikolano; karamihan ay tagalog at halos nagmula sa salitang Quezon.

Karamihan sa ating mga salita ay sadyang hindi naiintindihan ng mga Tagalog, at kalimitan pa'y nagiging tampulan ng biro kapag ating ginagamit.  Ngunit, sino pa ba naman ang magmamahal sa ating sariling wika kung hindi tayong mga nanggaling sa ating probinsya at dating walang patid sa paggamit ng mga salitang may pagka wirdong pakinggan.

Ang atin pong planong gumawa ng isang gallery ng mga salitang Capalonga ay nagsisimula na, at salamat sa huntahan na nagaganap sa Facebook page ni Buen, marami rami na ring pong naglabasan na mga salita na tayo lamang ang gumagamit.

Narito po ang ilan, na nalikom at pinagsama-sama ni Bren, kung kayo po ay may nais na idagdag, wag pong mahiyang mag comment sa hulihan ng post na ito, o mag e-mail sa ccn4607@gmail.com. 

WORD MEANING
bubu  tapon [verb] to spill
bag-as  malakas / malaki muscle [adj] robust, brawny, muscular
baldag  hataw [verb] to do something with full energy/enthusiasm
bas-ig   pilapil [noun] bund/embankment separating squares/rectangles of paddy fields
bangyasan  kahoy pakatan na pang-bakod [noun] a kind of wood from a tree found in a swamp
langis  mantika [noun] oil used for cooking
tagiti  ambon [noun/verb] drizzle (of rain)
padikit ng apoy  gumawa ng apoy [verb] to start a fire, usually for cooking
ulbot  naka-protrude [adj] protruding, bulging, stick out
leche  takal / lata ng alaska na ginawang pangtakal [noun/adj] scoop
salapi  50 cents [noun] fifty cents (Philippine peso)
talikakas  maliit n alimasag [noun] a specie of crab (probably called "the Asian shore crab")
hidok  sira-ulo [adj] crazy
talok tanim ng palay [verb] to plant the rice seedlings in readied paddy fields
butog sinungaling [adj] a  person who tells a lie
palpal  bobo [adj] lacking intelligence, dumb
panit  poknat [noun] a scar in the head
guyam  langgam [noun] red ant
paho indian mango [noun] a specie of mango from India
batikal  bato (throw) [verb] to throw/to cast
banlat  koral ng baboy [noun] pig pen
vetsinan  butugan [noun] a conversation centering mainly on non-sensical jokes and teasing
hibas  low tide [adj] when the tide has recede
taib  high tide [adj] when the tide has risen
manala  maliit na octopus [noun] a specie of octopus 
bulaw  dilaw [adj] yellow, blond (hair)
tabsung  dive sa tubig [verb] plunge in the water
pamanit  utak / ulo [noun] refers to the brain/thoughts and/or head
siko  liko [verb] to take a turn
dugsung  dugtong [verb] to continue; pick-up (pick-up where it's left)
sapok  batok sa ulo [verb] to strike or smack at the nape of the neck
ngimi  manhid [adj] numbness and tingling feeling


Ang inyo pong pagtangkilik at pakikibahagi ay napakalaking tulong upang makabuo tayo ng isang 'community' ng nagmamahal at hindi nakakalimot sa Capalonga.
* Many thanks to Bren (Sasot) for the initiative.  Visit his Facebook account here, and be his friend. 

1 comment:

  1. pakisama mo na rin ang mga katagang ito:

    baga

    minukmok

    sasaka

    linang

    ReplyDelete