Pero walang taong may kakayahang alalahanin lahat ng mga bagay na nangyari sa kanyang buhay. Maaring dala ng pagtanda, pwede ring dahil ang alaala ay sadyang napakapait at pilit na winawaglit sa isipan. Pero katulad ng simoy ng hangin sa pakatan, ingay ng kuliglig sa likod bahay, alat at lagkit ng hangin sa dalampasigan at kahit singaw ng lupa sa biglaang ulan, merong isang bagay na walang kupas na nagdadala ng alaala ng kahapon, pilit mo man itong kinakalimutan o pinipigalan sa paghulagpos sa iyong isipan.
Litrato...mga kodak na kung saan ikaw man ay nakasimangot, o ikaw ay nakabungisngis. Nakapang malakasan ka man, o mukha kang yagit, nasa isang sulok ka man sa sayawan o kasalukuyang halos nakayakap sa iyong nobyo/nobya, naglalangis ang nguso sa kainan o pulang pula na sa inuman.
Ganun pa man, naghahatid ng samu't saring alaala, ngiting hindi halos matanggal sa iyong mga labi. Dahil aminin mo man sa hindi, ikaw man ang kawawa noong unang panahon o ikaw ang sikat sa buong pangkat...ang iyong mga karanasan ang humubog sa iyo upang lumaban sa kahit ano mang pinagdadaanan.
Narito po ang aking kontribusyon sa baul ng mga alaala.
4TH YEAR DIAMOND CIRCA 1994
Mr. Abelardo Literal
From Left-->*Rico Talento, Roen Valles, Lindsey Retiro, Jesus Talento, Ronald Valdez, Ruben Pacheca, Roberto Salcedo, Phillip Adam Odoño, Noriel Fabular, Garry Pakingan, Ruel Bernal, Elmer Iglesia, Richard Rodriguez, Manolito Indo, *Ronald Barrios, Marites Bejeson, Carmela Gallardo, Ezra Gosilatar, Ranesa Iglesia, May Hirang, Kcenia Artymiak, Maria Angela Matanis, Carmela Begino, Ma. Elena Marigondon, Maribel Malaluan, Mylene Pasague (+), Marichu Pan, Gildred Leynes, *Dominic Gumamela, Monica Malaluan, Armela Ureña, Mariane Herrero, Maribel Bueque, Elma Husain, Mia Boridas, Fatima Esturas, Zorabel Manabo, Luzviminda Segovia, Cherry Dalan, Maribel Gonzales, Edward Albania, Dominic Gaco, * Froilan Reyes, Arnold Gonzales, Evangilyn Calzado, Gilgen Lopez, Lea Jueves, Ian Juego, Lea Lagumen, Aileen Caldit, Alicia Olila, Marissa De Vera, Roy Delos Santos
[UPDATE] Judilyn Esturas (between Vangie Calzado & Gilgen Lopez)
- Not pictured
Erwin Raymond Nacion
Freddie Begino
Rodel Bautista
Marvin Buela
Legie Anacin
Carlos Asilo
Cesar Cerdena
Thanks to ASENAR for pointing out the missing names
Ang lahat po ay malugod na inaanyayahang magpadala ng mga litrato ng inyong nakaraan, kahit pa po ito ay black and white pa, o inanay na, tinitiyak ko po sa inyo na ang inyong ibabahaging litrato ay makakaani ng kasiyahan sa inyong mga kaibigan.
- Not pictured
Erwin Raymond Nacion
Freddie Begino
Rodel Bautista
Marvin Buela
Legie Anacin
Carlos Asilo
Cesar Cerdena
Thanks to ASENAR for pointing out the missing names
Ang lahat po ay malugod na inaanyayahang magpadala ng mga litrato ng inyong nakaraan, kahit pa po ito ay black and white pa, o inanay na, tinitiyak ko po sa inyo na ang inyong ibabahaging litrato ay makakaani ng kasiyahan sa inyong mga kaibigan.
Pheww! Nahirapan ako dun.
=) Share po kayo ha, inunahan ko na kayo, hopefully po magtuloy tuloy etong maliit na project natin, hindi naman po ito magiging successful kung di tayo magtutulungan mag build ng database ng memories.
At please kung meron po kayong mga videos dyan, i-share nyo na po.
Ihanda nyo na rin po ang inyong mga vocabulary ng mga salitang capalonga, mga katagang capalonga, pasensya na po, ang hirap magsulat ng purong tagalog...gagawa po tayo ng gallery, para ma ensure po natin na kahit papaano makakatulong tayong ma preserve ang mga salitang ating kinalakhan, bago man lang tuluyan na tayong lamunin ng digital age.
*If you find something disturbing in any of the posts, please e-mail the admin at ccn4607@gmail.com...but for the rest of your thoughts, hit the COMMENT button underneath each of the posts. Thanks!
batch 94 ka ba? no name mo? almost 16 years na yong picture na yan grabe parang kelan lang nohh ang babata pa natin dyan....yong iba nakalimutan ko na ang name pero kilala ko sa mukha ha buti na lang meron ka...sana magkaroon tayo ng reunion no mahirap makarating lahat pero marami mas masaya...iba't iba na ang stado sa buhay hindi siguro matapos tapos ang kwentuhan...imagine ko lang napapangiti na ko....keep posting thanks kabayan...yalem (*<>*)
ReplyDeletetindi ng memory nung nagbigay ng names nito.hindi ko n rin matandaan sila lahat.pero may nalimutan ka ring isa dito,kung katabi ni gilgen.saka si owen mukhang wala dito.hmmn..those were d days..makukulit pa tayo nyan..at hanggang ngayon pa rin,hehehe.imposible ng magkita2 tayo lahat khit sa reunion,dito man lng sna kitakits tayo mga classmates,cheatmates and friends..gayahin kita yalem......asenar po ito
ReplyDeleteCapalonga Vocabulary words...pakidugtungan nalang po...
ReplyDeletebubu - tapon
bag-as - malakas / malaki muscle
baldag - hataw
bas-ig - pilapil
bangyasan - kahoy pakatan na pang-bakod
langis - mantika
tagiti - ambon
padikit ng apoy - gumawa ng apoy
ulbot - naka-protrude
leche - takal / lata ng alaska n ginawang pangtakal
salapi - 50 cents
talikakas - maliit n alimasag
hidok - sira-ulo
talok - tanim ng palay
butog - sinungaling
palpal - bobo
panit - poknat
guyam - langgam
paho - indian mango
batikal - bato (throw)
banlat - koral ng baboy
vetsinan - butugan
hibas - low tide
taib - high tide
manala - maliit na octopus
bulaw - dilaw
tabsung - dive sa tubig
pamanit - utak / ulo
siko - liko
dugsung - dugtong
sapok - batok sa ulo
ngimi - manhid
buti natuto ako magpindot ng keyboard ng kompyuter kung hindi 'di ko na nakita ang ma-ala brad pitt kung posing hehe..nung panahon..iba talaga ang dating nung kabataan. nakakatawa..hehe.. matatanggal pala talaga isipin mo pag nakita mo alaala ng kahapon..hehe any way thanks sa mga taong matiyaga at may initative na i share ang kanilang time para mag encourage ng iba at mag-inspire ng iba pa.. mabuhay ka! kaibigan...
ReplyDeleteSa lahat ng mga taga- capalonga narito ang di malilimutang mga salita na hango sa di malamang dahilan kung saan nagsimula ang lahat ng ito:...nakapagtataka..hehe.he.nais naming maibahagi ang mga iba pang salitang ang alam namin ay nag-ugat talaga sa capalonga:salamat sa nagbukas sa ideang ito:
ReplyDeletenarito ang mga nais naming maibahagi:
talipay- sumala sa tamang pag-asinta
baranggol-bahol
kurachapi-kupas
pu-aw-hidok,sira-ulo
tatsing-laro sa kalye(pera,lastiko,tansan)
itsa-tapon,hagis
saka-punta sa bukid
linang-lugar ng sakahan,bukid
kalabituin-isdang matinding makatinik,
maantak-masakit,mahapdi
talibukoy-maliit din na kuray
yah! expression ng mga taga-capalonga
gasangan-lugar kung saan kumukuha ng mga seafoods tulad ng sihi,tutuk-in,limban, kasag.
kalambre- nanginig
buk-on- crab specie
medyad-uri ng isda
hapin-panali sa kawil (nylon)
kawil-panghuli ng isda 9hook)
tambalu- uri ng isda na patalon-talon
kadyas-expression ng mga taga-capalonga
baksyat-laro ng sling shot
bayag-kambing- bunga ng bakawan gamit sa sling shot
daluro- ugat sa gasangan
tukarol-ilawan
sagmaw-kaning-baboy
salapang- sibat sa manala
lam-aw- maliit na bahagi ng tubig
analpok-isdang parang bulaklak
amumutok-shrimp specie
tugpa-punta sa laot para mangisda
asbok-asbok-maalon ang dagat at malakas ang hangin
igit-mamasa-masang dumi sa underwear
akang-puloy-expression na mga taga capalonga
butot- shrimp specie sa danawan patubig nahuhuli. pain
kurumbistre- nanginig sa takot
tigma-ok-patay
tihim-shell specie
tutuk-in- shell specie
guno- uri ng isda
patlay-uri ng isda
kutabing-uri ng isda
upos- uri ng isda
lupo-uri ng isda
tuksil- dapat di magalaw
peratoks-same as tuksil
agil-il- dumi sa katawan
tagbik-malakas ang alon
baga-expression ng mga taga capalonga
bar-ad-bahol, mabagal gumalaw
lag-ok-inom
bugitis-shell specie
sundalong isong- uri ng isda
balagwit-pasanin
banakal-dumi sa katawan
butirok-abuso, grabe para inom
lun-oy- pangingisda
buradol-saranggola
karigkig-giniginaw
bakuli-uri ng isda
parakuda,paradoming-nakikikain kahit di imbitado
lintigis-uri ng luto
mumol-uri ng isda
tambilok-laman ng bulok na kahoy
kabatete-uri mng dahon na nilalagay sa kinunot
kinunot-uri ng luto sa pating
lagyo-uri ng pating
tubol- hirap ilabas hehe..hehe
kuras-il-magaslaw
bukawin-uri ng isda
sibad-huli
liputok-kakang-gata
til-an- suntok sa masel na nagbutiki he.he.he.
ligat- sa pagkagat
narito ang bunga ng aming pagsasaliksik ng ating mga salita na ang aming paniniwala ay mula sa capalonga. ito rin ang bunga ng aming pagpapagod upang maibahagi sa inyo ang mga salitang ito. dito umiinog ang aming mundo noon at magpahanggang ngayon ay ginagamit pa rin sa capalonga. meron din namang iilan na nalimutan na. ito ay makakatutulong upang gamitin nating muli ang mga salitang ito upang magpahayag na ikaw ay lehitimong taga-capalonga. he..he..he..gud-lak dudoy apog!
sinaliksik nila:
charlie gumamela at dominic gumamela
february 3, 2010 9-11am
at tandang sora, quezon city
marami pa pong iba na mga salita na kayo naman ang bahalang magbahagi..assignment nyo yan ha. mga dudoy apog! salamat hanggang sa muli. kita kits sa capalonga sa fiesta.inuman na!!