Wednesday, January 12, 2011

Sino ka baga?

Here is another brilliant piece from Mr. Pastor Olila that best describes most of our childhood back in Capalonga. We salute you Mr. Olila for a wonderful, brave composition you made.



***

AKO SINO BA SA CAPALONGA?

AKO YUNG BATANG MINSAN NG NAKARANAS NG SAYA O LIGAYA NG PANAHONG AKO AY BATA PA,WALANG NASA ISIP MAGLARO AT MAGING MALIGAYA DI KO ALAM ANU YUNG TUNAY NA MASARAP NA KINAKAIN KO SA TUWINA,BILANG ISANG BATA NA KUNTENTO AKO NA MAKATIKIM NG PAG KAING SIMPLE NA ANG BUONG AKALA AY YUN AY SAPAT  NA, TINUTO, PINANGAT, KINUNOT, BALAW AT LUGAW SAKIN AY KASIYA SIYA MAKAKAIN NG KARNE NORTE TABA NG BABOY, PANSIT ABAY PYESTA NA...

SARAP NG BUHAY BATA, SIMPLE AT WALANG PROBLEMA.  NAG BIBINATA AKO NUON NA LUMALAWAK ANG EKSPERIENSYA,ANG DATING SIMPLE AT MASARAP SAKING PANLASA ABAY KULANG NA KULANG PALA.   NA NGINGITI AKO DAHIL PARANG SA PAG BIBINATA KO ANG DATING LIGAYA NAPAPALITAN NG LUNGKOT AT DI NA SAYA,NAKARANAS AKO NG HIRAP SA EDAD NA PRIMERA LABINDALAWANG TAONG GULANG AKO NATUTO AKONG MANASA ,MAG KOPRA PATI PAG HAHAKOT NG GRABA.DITO LUMAWAK ANG KAISIPAN KO NA WAG MAG PADAIG SA TAKBO NG KAHIRAPAN SA CAPALONGA.

DEKTATORYAY NAGING DEMOKRASYA SALAMAT SA DEMOKRASYA AKOY NAKINABANG SA KANYA SKOLAR NG PANGULONG PI NAPAG ARAL NYA NG SEKONDARYA,SA PAG PASOK NG SEKONDARYA ABAY NAKAKA PANIBAGO PALA ANG PUSONG UMIIBIG LAMANG SA NAG PALAKING LOLA AY UMIIBIG NG IBA HINDI LAMANG ISA MARAMING NAKUKURSUNADA ABAY DUMARAMI ANG KAEDAD NA NAG SISIPAG GANDA,SUBALIT KAYLANGANG MAYROONG MA NGUNA O MA BUKOD TANGI SA KANILA…

NAKAKAPAG PAGANA PALA AT NAKAKAPAG BIGAY SIGLA KAPAG MAY NAPUPUSUAN KA NA,SUBALIT GANUN NAMAN TALAGA KUNG HINDI NGA UUKOL HINDI DAW BUBUKOL,..TINAPOS ANG SEKONDARYA NA PUNO NG HAMON SA BUHAY DALA MARAHIL NG KAHIRAPAN NA NARANASAN KO SA MAHAL KONG CAPALONGA NA NGAKO AKO SA KANYA NA SA PAG HAKBANG KO PA NG MAS MATAAS SA SEKONDARYA AY PAGBUBUTIHIN KO NA,MABUTI ANG DIOS WALA SYANG KAPARA BIYAYA NYAY LUBOS AKOY PINAG TAPOS NYA,SA MAGULANG AY DI UMASA SARILING KAYOD PARA MAKATAPOS AT MAKAPAG HANAP NG MAS MAGANDANG IKAGAGANDA NG BUHAY HINDI YUNG BUONG LAKAS NG KATAWAN AY GUMAGANA.

NGAYOY TUMATANDA AKO DALADALA ANG MGA ALA ALA SALAMAT SAYO MAHAL KONG CAPALONGA HINASA MO SI PASTOR OLILA PANGAKO KO SAYO MINSAN NAMAN PAG LILING KURAN KITA..BABALIKAN KO ANG MAHAL KONG CAPALONGA KAPAG HANDA NA AKO AT BUONG PWERSA NG KAKAYANAN KO AY NA KUMPLETO KO NA,PANGAKO MAHAL KONG CAPALONGA AKOY ANAK MO HINDI SUSUKO HANGAT DI UMUBRA MABUHAY KA O BAYAN KONG CAPALONGA!!!!

***
Ikaw Kabihug, sino ka baga?

1 comment:

  1. Hats off to you Mr Pastor Olila... Ang galing! Mabuhay ka!!!

    ReplyDelete