The following pictures are from Ms. Janeth Esturas (Thank you!), update of our current local government's road widening project. They were uploaded 15th of November, so I think it's safe to presume, that this is how pretty our little paradise look at the very moment.
Colorful...clean..peaceful and inviting, not to mention, the surroundings ooze freshness.
Sarap ng maggala dyan sa gabi. (Sana lang ma-clear na yung issue tungkol sa mga takas na bilanggo.)
Presenting...CAPALONGA, in its near perfect beauty.
***
What I'd give to see you again, my Capalonga.
Tuesday, November 30, 2010
Miss ko, miss nyo rin?
Share ko lang po ang mga nakakagutom na kodak galing sa photo album ng Association of Kabihog-Abroad, shared by Mr. Megs Gonzaga and Mr. Romeo Valles (thank you po!). I'm sure matatakam din kayo.
Labels:
Association of Kabihog-Abroad,
food
Monday, November 29, 2010
Ang nakaraan
This is originally posted at Association of Kabihog-Abroad by Mr. Patrick Olila (thank you!), and I figured I'd share this, verbatim, with everyone since most of us remember and treasured the past.
***
Naalala mo pa ba?
Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan ; Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang; 10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon; Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo. Pakikinig ng drama sa radio, tulad ng Simatar, Kapitan Radam, mga liham kay tiya Delly at sa gabi naman ang gabi ng lagim tinatakpan ang iyong tenga kapag naririnig mo ang alulong ng aso…. Naa-alala mo pa ba?
Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a: Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala. malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa tumana; Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams; Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak...
Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang lock ang mga jeep na Willy's noon. Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong, " sketeng" (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan) ; sumpak, pilatok, boca-boca , borador, atbp. Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon. Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo , tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!) may dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi, nandadakma na ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo; Butas pa ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin; Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa. Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology... di ba minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw!
Sana pwedeng maibalik... Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob... Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara.... Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo... Balik tayo sa nakaraan kahit saglit... Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone. Noong wala pang mga drugs at malls. Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.
Tayo noon...
Doon ...
Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan; Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa "Mga Aninong Gumagalaw" Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado natin, kasi wala namang calculator. Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo , lundagan sa kama ; Pagtikwas o pagtitimba sa poso ; pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae; Inaasbaran ng mga suberbiyo; Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page. Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?
Pamimili ng bato sa bigas ; tinda-tindahan na puro dahon naman; bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw? Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga ; pagtawa hanggang sumakit ang tiyan ; Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ang lukaok, susuwi at espada ?
Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata... Estigo santo napag nagmamano. Mapagod sa kakalaro , minsan mapalo ; matakot sa "berdugo" at sa "kapre"; Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!
Yung crush mo?
Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay palembong, taeng-kabayo o biscocho? Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel ; Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat; buriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.
Madami pa... Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin; ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin ... Halo-halo : yelo, asukal at gatas lang ang sahog; Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.
Lipstick mo ay papel de hapon; Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit; Naglululon ka ng banig pagkagising ; matigas na amirol ang mga punda at kumot ; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? pwede rin sa laylayan .. May mga program kapag Lunes sa paaralan; May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk . Di ba masaya? Naalala mo pa ba? Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon... Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon... Di ba noon... Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?"... Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the carabao batuten ... Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman ; Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti; Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa ; Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen. Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo. Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi at pahihigupin ng mainit na Royco.
Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN!
Pustahan tayo nakangiti ka pa rin! Kung naka-relate ka sa lahat ng nabanggit sa itaas, ibig sabihin lang niyan ay............. MATANDA ka na! he he he... pero kung hindi ka maka-relate, padala mo na lang sa akala mo ay kapanahunan nya ito para maalala din niya at mangiti rin niya.
***
As always, our inbox is open for things you wanted to share...email us, or tag us. Thank you so much for supporting!

baul,
capalogueno,
food,
games,
history
Monday, November 01, 2010
Pantay-pantay, pare-pareho.
Religion...is a devotion, not just beliefs.
And here in our little semi-capalonga community, we do respect different religions. We all know, and I believe most of us accept the fact that Capalonga is known for the Miraculous Black Nazarene, a representation of one of the many forms we humans call Deity. But apart from it and the many other sects that have been formed in our little sanctuary, we have very little knowledge of the other religions/sects, and how their beliefs differ from us.
Let's take a peek at a very important ceremony of one of the dominant sects in our paradise, the Seventh Day Adventist. Jade was kind enough to let us share these photos to everyone (which--by the way, I should have blogged a very long time ago, sorry).
(Source)
***
Anyone who would like to share anything from their religion/sect, are welcome to do so, as long as we don't violate the rights/beliefs of others.
And no matter what our religion, beliefs, devotions are...we all believe in one God, and we worship Him in many other ways than one.
God bless everyone!

Barangay Election 2010
I know this is super late, your blogger had been in hiatus for awhile, but I am back (at least I think I am). So, for the almost still latest news in our beloved Capalonga, here's the result of the Barangay Election held last October 25.
ALAYAO: Santiago Valdez
BINAWANGAN: Manuel Marca
CALABACA: Emmanuel Malaluan
CAMAGSAAN: Manolito Orit
CATABAGUANGAN: Luzvemelda Rojo
CATIOAN: Alex Orit
DEL PILAR: Apolinar Sarmiento Jr
DOLORES: Samie Avellano
ITOK: Levy San Antonio
LUKBANAN: Fidel Pacinos
MABINI: Rene Esturas
MACTANG: Nemesio Portugal Jr
MAGSAYSAY: Esmeraldo Escartin
MATAQUE: Martin Cuyo
POBLACION: Jiones Barasona
Rodolfo Yebra
Joefrey Encanto
Gregorio Jacob Jr.
Nonelon Regidor
Jesus Balce
Ruel Barquilla
Renato Camelon Jr
SAN ANTONIO: Edwin Luchavez
SAN ISIDRO: Arthur Conchada
SAN ROQUE: Mauro Dalan
TANAUAN: Ramil Raviz
UBANG: Felix Oliva Jr
VILLA AURORA: Paquito Oguis
VILLABELEN: Eleazar Leanillo
(Source: Meg Gonzaga, via Dominic Gumamela) Thank you!
We'll try to update it, as more info come. So keep it coming =D Comment or mail, whichever.
***
(This should only be posted in our government group page here but for the information of everyone else who hasn't like the page yet, I decided to post it in our facebook page too. It sounds complicated but as our group friends accumulate, it's only a matter of time before facebook won't allow us to friend anyone anymore, and it will only be through the page, that the others (late/newcomers) would be able to connect with us. Just fyi.)
Labels:
2010,
barangay election 2010,
Barrios,
kabihug,
LGU
Subscribe to:
Posts (Atom)