Thursday, October 21, 2010

Sariling Atin (ang iba)

Update: 01Nov2010
     (Thank you, Fred Base)

Ansarap lang mag kwentuhan pag ang sariling salita natin ang ginagamit, di baga po?  Butugan man, vetsinan o usapang pang kongreso, nakakatuwa pag ginagamit natin ang iba't ibang salita at punto natin.  Marami sa mga ito ang hindi naiintindihan ng mga taga ibang lugar, ang iba sa mga salitang ito ay mga pinagsama-samang salita o kaya naman ay mga inimbento ng mga kabataan na sa kalaunan ay naging sikat na.

Kayo po ba ay may mga expression ng inyong kapanahunan, na sa paglipas ng mga taon ay nakalimutan na ng mga kabataan?  Huwag po nating hayaang masapawan ng modernong teknolohiya ang ating mga salita, dahil maliban sa ating mga alaala ng ating munting bayan, ang mga salitang ito ang magpapatunay na minsan tayo ay nabuhay kasama ng ating mga mahal na Kabihug, o na minsan ay tinanggap natin na tayo ay isang Kabihug.


Anu-ano baga ang mga salitang ito, naito po, at ng mag kurag-itan kayo pagbabasa.  (3rd edition)  Happy reading!



BOOK OF WORDS (3rd edition)
abansin carabao grass
adyo akyat
agil-il
agut-utin
dumi sa katawan
madungis, mabaho
akang (expression)
akang-puloy expression na mga taga capalonga
alibutdan sinaing na di masyadong naluto.
amag talunan
amumutok shrimp specie
analpok isdang parang bulaklak
asbok-asbok maalon ang dagat at malakas ang   hangin
asukar asukal
ay syangani
aya! expression
ayot expression
badi tuyo
baga expression ng mga taga capalonga
bag-as
bagungon
malakas / malaki muscle
uri ng shellfish
bakekang  kamukha ni Zoraida
baksyat laro ng sling shot
bakuli
baktut
uri ng isda
bitbit
balagwit pasanin
balang tsamba
balaw
balbagan
binayong hipon
hatawin ng malaking pamalo (dos por dos)
baldag   hataw
balilit isang uri ng seafood
balinsuso
baltok
kakanin binalot sa dahon ng saging
hataw, batok
banak a fish
banakal dumi sa katawan
bangyasan   kahoy pakatan na pang-bakod
banil makapit na libag
banlat
banli
 koral ng baboy
paso (ng mainit na tubig), hugasan ng mainit na tubig
bar-ad bahol, mabagal gumalaw
baranggol bahol, hindi pantay-pantay, tabingi
bas-ig    pilapil
batikal   bato
bayag-kambing
bihud
binislad 
bunga ng bakawan gamit sa sling   shot
itlog sa loob ng tyan ng isda
binilad, tinuyo, tuyo
bingbing
bitsin
uri ng sitsiria
sinungaling, mahangin magkwento
brukal embudo
bubu   tapon
bugitis shell specie
bukawin uri ng isda
buk-on crab specie
bulaw   dilaw/blonde
bulid mahulog, malaglag
bul-o  young carabao
bulsot lusot
bungal
bungol
bungi
bingi
bunggor pangit
bungog bingi
buradol saranggola
burakat  malaki mata
buratchangul
burubuto
makapal ang labi
uri ng isda
butirok abuso, grabe para inom
butog  sinungaling
butot
demuntris, dimuntrig
dimunggol, dipugal

dasig
shrimp specie sa danawan patubig  nahuhuli. pain
expression



urong
dalurougat sa gasangan


daskul/sakul
dugsung   dugtong
dunggil  natabig
galis sugat (marami)
gasangan lugar kung saan kumukuha ng mga seafoods tulad ng sihi, tutuk-in, limban, kasag
ginanga paksiw
ginarit ginataang maais
guno uri ng isda
guyam
hagas
langgam
worried
hagul yan hanep yan
hakobina
hantik
a kind of bread
uri ng langgam
hapin
hapugak
panali sa kawil (nylon)
expression (sira-ulo/tanga)
hawot isdang tuyo.
hibas low tide
hidok   sira-ulo
hingaw  lipas lasing
hulaw pagtila ng ulan.
igit mamasa-masang dumi sa underwear
in-in
ingo (naingo)
loklok o pinapa-init
naloko
isang ipit
isug
halos isang puno sa bote
urong, usog
iswad naka tiklo ang pwet
itsa tapon, hagis
kabatete uri ng dahon na nilalagay sa   kinunot
kadyas expression ng mga taga-capalonga
kadyas (minsan) nakaw, manguha ng walang paalam
kagang balat ng sugat
kalabasa mali mali sa stage/presentation
kalabituin isdang matinding makatinik
kalambre nanginig
kalamyas
kampor
uri ng gulay
umiba ng pwesto
kandoy pakwan
kanggos cassava
kapaan uri ng lemon.
karabaw kalabaw
karigkig giniginaw
kawil panghuli ng isda (hook)
kinunot
kit-kit
uri ng luto sa pating
kutkot, nabibili sa tindahan
kulamod lamad
kulhit laro ng goma
kurachapi kupas
kurait matin-is na boses
kurapdot
kuras-il magaslaw
kurag-it
kuray
matinis na tawanan
specieng mukhang alimango
kurig-it hiyaw/sigaw
kurso lbm
kurumbistre nanginig sa takot
kutabing uri ng isda
kutib
kuti-kuti
labtok
unti-unti
kutitap
maga, umalsang balat, paltos
lagbot niyog na kulang gata
lag-ok inom
lagyo uri ng pating
lam-aw
lampa-og/lampadog
maliit na bahagi ng tubig
nadulas, matindi ang bagsak
langis   mantika
lapudas masakit ng palo
leche   takal / lata ng alaska na ginawang pangtakal
libtong malalim na bahagi ng sapa o ilog.
ligat sa pagkagat
linang lugar ng sakahan, bukid
lintigis uri ng luto
liputok
lisya
kakang-gata
hindi nakalinya
loglog  paglilinis ng bote
lubas uri ng dahon na pangsig-ang.
lugati  marumi
lumon hinog
lun-oy pangingisda
lupo uri ng isda
lusak putik
maantak masakit, mahapdi
maganit malagkit
magayot makati
magreregaton fish vendor
magtalok magtanim ng palay
mahangot
malanit
mabaho?
mahapdi
malibok maingay
manala   maliit na octopus
mangawil mamingwit
maruya banana Q or fried banana
matabsing uri ng panlasa
matanlang malinaw
mayabo hindi maligat
medyad crab specie
minukmok kamoteng kahoy na binayo (?)
mumol uri ng isda
mungit isang uri ng isda
nabulibuli nasobrahang ang kain.
nakaka aduwa nakaka diri o nakaka inis.
nakislig nagalaw
nali  ayaw magpahiram (bano)
natilig natutulala
ngimi   manhid
ngirit iyakin
padikit ng apoy   gumawa ng apoy
paho  indian mango
paig tuyot
palpal   bobo
pamanit   utak / ulo
panit   poknat
parakol palakol
parakuda, paradoming
paswit
nakikikain kahit di imbitado
uri ng pagsipol
patlay uri ng isda
peratoks same as tuksil
pigtal tanggal
pispan fishpond 
pitik laro ng goma
pu-aw
pulasi
hidok, sira-ulo
mabahong tubig sa imburnal o sa tamaw
purog sira-ulo
pursogaok/pantsang hindi kagandahan-swangit
riparo (mariparo) pansinin
sagmaw kaning   baboy
saka punta sa bukid
sakul  magkamay sa pagkain
salapang sibat sa manala
salapi   50 cents
saling-sing kawayan na pambakod
sapal pinagpigaan ng niyog
sapok   batok sa ulo
sibad huli
siko   liko
sintones kalamansi
sundalong isong uri ng isda
supot hindi pa tuli
tabsung   dive sa tubig
tagbik malakas ang alon
tagiktik pamalo, kawayan
tagiti   ambon
taib high tide
talibukoy maliit din na kuray
talikakas   maliit na alimasag
talipay sumala sa tamang pag-asinta
talok  tanim ng palay
tam-ak tapak
tamaw butas/kanal sa kalsada na may tubig (ulan)
tambalu uri ng isda na patalon-talon
tamban absent sa school
tambilok laman ng bulok na kahoy
tampisaw  maglaro sa tamaw
tanggalod
tapalang
(mura) expression
uri ng shellfish
tarak labas ang kaputian ng mata
tatsing laro sa   kalye(pera,lastiko,tansan)
tigma-ok patay
tihim shell specie
til-an suntok sa masel na nagbutiki 
tinoto laing
tinumok
tubli
tinadtad na hipon na binalot sa dahon ng gabi at ginataan.
lason, lasunin
tubol hirap ilabas 
tugno hindi nagpapalit ng damit.
tugpa punta sa laot para mangisda
tukarol ilawan
tuksil
tungaw
dapat di magalaw
uri ng ligaw na prutas
turayog mataas ang abot ng tilamsik ng pag -ihi
tusar  magpagupit ng buhok
tusmag tulog na
tutpik tuyo na bulinaw
tutuk-in
ug-ug
shell specie
uga, shake
ula (ng kalabaw) mag pastol
ulbot
ulsit
naka-protrude
pumulsit, lumabas
upos uri ng isda
usngal hindi pantay ang ngipin.
utipyo a kind of bread
utro
vetsinan   butugan
yah!  expression ng mga taga-capalonga
updated Oct.22.2010

***
Welcome po ang sinumang may idadagdag pa, o kaya may itatama.  Salamat po sa lahat ng nag contribute (Book 1 & 2) at mga nag comment/add para sa edition na ito.

Mabuhay ang mga Kabihug!

Tayna at mag butugan =D

---------------------------------------------
Add us!

ccn4607@gmail.com
Twitter